
Nakaugalian na ng mommy Olga ni Heart na sumakay ng bus tuwing umaga kapag pupunta sa puwesto nitong meat shop sa Guadalupe. Ayaw ng 55-anyos na ermat ng dalaga na makipagsiksikna sa MRT tuwing umaga dahil bukod sa mabusisi ang mga dala niyang meat products na nakalagay sa plastic bags ay bawal magdala ng ganoon sa naturang sasakyan. Sinasamahan at inaalalayan na lamang si mommy Olga ng pinsan ng 22-anyos na dalaga na si Mario na naging Margie na member ng pederasyon.
Si Heart naman ay nag-e-MRT para walang hussle sa biyahe dahil mabilis at gusto nitong maaga laging pumapasok sa Makati bilang store manager ng isang pizza house. At kapag umuuwi’y sumasakay naman siya ng bus dahil ayaw niyang makipagsiksikan sa MRT. Iyon ang daily routine ng mag-ina na kanila nang nakasanayan. Nauunang umalis ang dalagang hawig ni Kaye Abad dahil 8:00 AM ang pasok nito samantalang ang mommy niya ay alas 9:00 ng umaga umaalis sa bahay nila sa Tandang Sora Quezon City sa may Tierra Bella. Isang araw ng Lunes, nang sumakay ng bus sina mommy Olga at Marge ay nakatayo sila. Talagang hirap dahil bukod sa may bitbit na ay siksikan pa sa bus na sinakyan nila.
Medyo chubby ang mommy ni Heart kung kaya nahihirapan ito at ang mga bumababang pasahero kapag nadadaanan siya. “ Sus, wala man lang gentleman ngayon sa panahong ito. Itong poging ito, hindi man lang nag-give way. Buwiset.” asar na bulong ng payatot na si Marge sa kanyang tita. Habang tinitingnan ang isang lalaki na nsa tapat ng kinatatayuan nila na dedma lang na nakaupo.
“ Nangangawit na ako, Marge.” expression ni mommy Olga na astang parang artistang si Chichay. “ Diyos ko po, wala na po bang gentleman sa panahong ito.” parinig pa nitong bulong. Waring dininig ang dalangin niya nang biglang may tumawag mula sa upuan sa bandang likuran. “ Dito na po kayo, mam! sambit ng isang binata na hinawakan ang dala ng ale. Hindi na nagpakipot pa si mommy Olga at agad itong tinanggap ang alok ng poging lalaki. Puwesto, agad siyang umupo at nakadama ng komportable sa naturang air-con bus. “ Salamat sa iyo, iho, ang bait mo naman.” ani mommy Olga.
“ Okey lang po, kasi nakikita ko kayong nahihirapan sa dala-dala ninyo. Akala ko may, mag-aalok na paupuin kayo, kaso wala kaya iyon, tinawag ko po kayo.” Nakangiting tugon ng binata. Habang bumabagtas ang sinasakyan nilang bus sa kahabaan ng EDSA ay nakipag-kuwentuhan ang binata sa kanila ni Marge. Hanggang sa Guadalupe’y inalalayan pa sila ng binata sa pagbitbit ng tatlong plastic ng meat goods.
“ Sige po, nay. Nice meeting you, po.” Paalam ng binata habang kumakaway pa sa kanila sa bintana ng bus. Kumaway din ang magtiyahin sa guwapong binata na nakasuot ng itim na t-shirt at maong pants.
“ Kabait na bata, ano? kahit medyo rocker ang dating ‘eh malinis at maayos ang gayak. Magaan agad ang loob ko sa binatang iyon.” Sambit ni mommy Olga habang inaayos na nila ni Marge ang mga paninda sa meat shop na nasa palengke.
“ Sayang, hindi natin siya nakilala, tita. Puwedeng-puwede sana siya kay Heart. Tingin ko’y bagay silang dalawa.” ani Marge.
“Eh, kaso nga, hindi natin alam kung makikita pa natin ang lalaking iyon. Gusto ko siya para sa anak ko dahil mabait siya’t magalang sa nakatatanda.”
Pagsapit naman ng 5:30 ng hapon ay nagkita naman si Heart at ang kanyang nobyong si Kirk sa tagpuan nila sa MRT station sa Ayala. Iyon ang agenda nila para hindi mabuking na may boyfriend na si Heart ng kanilang kapitbahay na si Ellen na nag-oopisina malapit sa pinapasukang Pizza House ng dalaga. Ito kasi ang nagsisilbing radar ni mommy Olga kung may dumidiga na sa dalaga niya. Kasi, ayaw siyang payagan ng mommy niya na magkaroon ng nobyo na hindi dumaan dito. Gusto ng nanay ni Heart na si mommy Olga niya ang pipili ng magiging nobyo niya para sa kanya.
“ Kanina ka pa ba? tanong ng binatang si Kirk sa dalaga habang humalik sa pisngi.
“ Kararating ko lang” sagot ng dalaga.
“ Maaga pa naman, Kirk, ano kaya kung mag-stroll muna tayo sa MegaMall, may titingnan kasi akong damit pang-regalo para sa darating na birthday ni mommy.”
“ No, problem. Hamo’t sagot ko ang snack natin.” wika ng binata. Iyon nga ang nangyari at pagkataposd na matingnan ang damit na blouse na may design ng mukha ni marilyn Monroe ay kumain sila sa isang Italian restaurant na nasa loob lamang ng mall.
“ Total, malapit na ikamo ang birthday ng mommy mo, ano kaya kung lumantad na tayo. Nahihirapan na rin aksi ako sa ganitong set-up natin. Gusto ko nang makilala ang mommy mo na nagger at malakas kamong mang boska. Okey lang sa akin iyon.” Ani Kirk.
“ No, Kirk. Kapag hindi ka nagustuhan ni mommy, tiyak na paghihiwalayin niya tayo. Ayokong mangyari iyon dahil mahal kita.” paliwanag ng dalaga.
Tumahimik na ang binata. Alam niya ang diskarte ng dalaga. Tamang panahon at pagkakataon lang ang kailangan para matanggap ng mommy ni Olga ang kanilang relasyon, at lalo na siya. In the next other morning ay tinulot ng tadhana na magkita uli sina mommy Olga at ang binatang na-meet nila sa bus.Magkatapat lamang ang kanilang upuan. Nang magbabayad na ang magtiyahin ay namutla ang lalaking dyuding at garalgal na binulungan ang tiyahin. “ Tita, naiwan mo yata ang wallet mo, wala kasi dito sa bag ‘eh. Paano tayo magbabayad nito. Naku, tita, palapit na dito yung konduktor. Sisingilin na tayo tiyak niyan. Yari na.”
“ Eh di, magtanga-tangahan na lang tayo o kaya mag-alibi na kunwari ay bayad na tayo.” ani mommy Olga.
“ Hello, tita. Eh, kilala na kaya tayo sa mukha ng konduktor ng sinasakyan natin na California Bus. Naku, yari tayo.” Tatapat na sana ang konduktor sa tapat nila nang nagsalita ang binatang binansagan nilang magtita na Mystery Boy.
“Bossing bayad ho. Dalawang Guadalupe at isang Makati.” Habang iniabot ang bayad na isandaang piso sa konduktor. Nakahinga ng maluwag ang dalawa sa narinig. Buti na lamang at may saviour sila.
“ Nay, ibinayad ko na ho kayong dalawa ni Marge.” Nakangiting sambit ng binata sa kanila.
“ Kita mo nga naman, Marge. Suwerte ang binatang ito, aba’y kung hindi dahil sa kanya tiyak na mapapahiya tayo. Di kaya, alam niyang wala tayong pambayad?”
“ Tiyang naman, gusto lang talaga niya tayong ilibre. Kaya, inunahan na niya tayo.”
At gaya uli ng pagbaba nila sa Guadalupe’y ay inalalayan sila ng binata na may kalakihan ang katawan. Ito na ang nagbitbit ng dala nilang mga meat goods at sinamahan na sila papuntang palengke. Pinagkape nila ang binata pagdating sa meat shop at makalipas ang 20- minutos ay nagpaalam na rin sa kanila. Didiretso na ito sa pinapasukang office bilang Graphic Artist.
“ Nakup, Marge. Hindi ko nga pala naitanong kung ano ang pangalan ng binatang iyon.”
“ Tita naman, kasa-kasama na natin hindi pa natin kilala pero tayo kilala na niya. kayo po talaga, medyo nag-uulyanin na. Uminom nga kayo ng Sustagen Premium.”
“Eh, ba’t ikaw, hindi mo rin naitanong ang pangalan niya. Kasi, hindi ka na mapakali kapag nakikita si Mystery Boy. Naku, ano na lang ang iisipin niya na hindi natin siya kinikilala.” hirit pa ng ale. Kinahapunan naman, mga rush hour ay nagkita uli si Heart at ang nobyong si Kirk sa MRT station sa Ayala. Habang nakapila sa pagkuha ng MRT card ay nag-uusap sila.
“ Sana naman, makapunta ako sa birthday ng mommy mo, Heart. Gustong-gusto ko na siyang ma-meet ‘eh. “
“ Di ba nag-usap na tayo? Durog ako kapag nalaman niya na may nobyo na ako.”
“Masyado kang negative, subukan lang natin. Malay mo, magustuhan ako ng mommy mo. saka, gusto ng mga parents na dinadalaw sa bahay ang anak nila at nais silang makilala dahil lumalabas na seryoso ang isang lalaki sa nararamdama sa kanilang anak.”
“ ‘Eh sa hindi ganun si mommy, ‘eh. Sige ka, pag di ka niya kursunada, sira ang relationship natin. Hamo’t ibi-build -up kita sa kanya para magkaroon siya ng idea tungkol sa iyo.”
“ Di kaya may ibang lalaking gusto ang mommy mo para sa iyo?
“ May punto ka, Kirk, kasi may ikinukuwento siya sa akin na Mystery Boy. Wala naman siyang gaanong ibinibigay na details sa taong iyon, pero gusto niya raw iyon para sa akin.” Saglit na nalungkot ang mukha ng binata at agad namang kinabig ni Heart at hinalikan sa pisngi. “ Sus, ito naman. Di naman kita ipagpapalit dun ‘no! ani ng dalaga.
Mga 20- araw din ang lumipas ay kadalasang nasa iisang bus naman sumasakay sina mommy Olga at ang Mystery Boy. Nagkataong maluwag ang bus ng umagang iyon kung kaya sa iisang upuan silang tatlo naupo. Sa wakas, nalaman na nila ang pangalan ng binatang si Roger.
“ Kuwan, Roger. Malapit na ang birthday ko, gusto ko sanang pumunta ka para ipakilala ko sa iyo ang anak kong si Heart. Maganda iyon at mabait na tulad mo. Tiyak na magugustuhan mo siya.” ani mommy Olga.
“ Thank you po, nay. Kaso, may nobya na po ako ‘eh.” Sagot ng binata.
“ Ah, ganun ba. Pero, tiyak na malilimutan mo ang nobya mo kapag nakita mo ang anak ko, Roger. Punta ka ha. mag-alibi ka na lang sa nobya mo na may importante kang gagawin o kaya’y masama ang pakiramdam mo kung kaya hindi mo siya makakapiling.”
“ Okey po. Kasi po iyong nobya ko ayaw niya akong papuntahin sa bahay nila na hindi sinasabi sa akin kung taga-saan siya. Ni hatid po ay ayaw niya kaya sinusundo ko lang siya sa pinapasukan niya at naghihiwalay kami sa MRT Quezon Avenue station. Nag-iingat po siya dahil kapag nalaman ng ermat niya na may nobyo na siya ay pagbabawalan niya raw kami.”
“ Naku, iba ako. Gusto kita para sa anak kong si Heart. Ano, punta ka sa linggo ha sa may bahay namin sa Tandang Sora. Hihintayin kita run.”
Sabado ng gabi ay abala ang mag-anak na Mariano sa mga pagkaing ihahanda sa kaarawan ni mommy Olga. Excited na ang lahat at balitang darating ang daddy ni Heart mula Dubai na nagtratrabaho bilang Plant Coordinator sa isang steel company roon. Habang inihahanda ang mga gagawing gelatine ay nakuhang i-open ni mommy Olga kay Heart ang tungkol kay Roger.
“ Iha, pupunta rito bukas si Mystery Boy, si Roger. Ipapakilala kita sa kanya at tiyak na mas guwapong hamak sa sinasabi mong suitor mo na si Kirk. Huwag kang magkakamaling papuntahin dito ang Kirk na iyon dahil ipapahabol ko siya sa German Shepherd nating si Shiva.”
“ Hay naku, mommy. Hindi naman pupunta ‘yung tao dahil sinabihan ko na nerd at strict ka. kahit gusto niyang pumunta para ma-meet ka ay sinabihan kong huwag na at baka katayin mo pa siya at gawing tindang karne sa meat shop natin.” simangot na irap ni Heart.
“ Tiyak na walang binatbat ang mga suitors mo kay Roger. Matangkad na, guwapo, mabait at macho. I dare you, tiyak na mai-inlove ka sa kanya kapag nag-meet na kayo.”
“ Really, mom. Paano kung hindi. Wanna beat? Kung hindi, papayagan mo akong makapunta na rito si Kirk sa bahay?”
“ Sus, kunwari ka pa. Hoy, alam ko ang karakas mo kapag inlove mo may tinatago. Anong malay ko kung nobyo mo na ang Kirk-Kirk na yan. Sige payag ako, pero kung hindi pumasa sa standards ko’y sa kangkungan din siya pupulutin.”
“ Linggo, alas singko ng hapon ay nasa Tandang Sora Avenue na si Roger. Ang SOP ay susunduin na lang siya ni Marge sa Mcdo at sasamahan papuntang bahay nina mommy Olga. Samantala, excited naman si Heart sa ipinagmamalaking bisita ng mommy niya. sana hindi niya magustuhan dahil talaga namang matikas pagdating sa kalidada ng lalaki ang nanay niya. Isang puweba na rito ay ang daddy Victor nila na parang si Pierce Brosnan na bukod sa guwapo, mabait, ay karinyoso pa. Nasa kuwarto lang ang dalaga at pilit tine-text si Kirk na hindi niya makontak. Maya’t-maya’y may narinig na siyang bati na tila para sa panauhin na masayang sinalubong ng kanyang mommy at mga kapatid.
“ Aba’y ka-guwapo naman pala nitong si Roger. Hindi ka nga nagkamali, mommy.” sabat ng 18-anyos na kapatid niyang si Cathy na lingid sa dalaga ay parang tuko kung maka-angkla sa binatang bisita. Nasa silid pa rin niya ang dalaga at nakikiramdam lang sa mga mangyayari sa labas ng kanyang kuwarto. Maya-maya’y narinig niya ang kanyang mommy na niyaya ang naturang bisita na kumain na ng pagkain sa handaan.
“ Naku, nasaan na ba si Heart at nang maipakilala na kita sa kanya, Roger.” bulalas ni mommy Olga. “ Baka nagpapaganda po sa loob ng kuwarto niya.” hirit naman ni Cathy na panay ang angkla sa binata.
“ Ang sabihin mo, masama ang pakiramdam dahil hindi niya feel ang set-up ng mommy mo.” banat ni Marge na nakapamaywang pa.
“ Kumakanta ka ba iho?” tanong ng ale sa binatang si Roger. “ Aba, oo naman po. Sanay tayo diyan.” masiglang tugon ni Roger. At ang siste’y sinimulan na nila ang pagbi-videoke. Una nilang pinasalang si Roger at game itong kinanta ang awiting “ Have I Told You Lately” ni Rod Stewart. Nagulat ang lahat sa lamig at husky na boses ng binata anupa’t ang mga tao sa sala ng bahay ay binigyan siya masigabong na palakpakan. Rinig ni Heart ang tinig ng binata at maging siya’y nagulat. There’s somethings wrong ika nga. Hindi siya mapakali at biglang naging curios sa lalaking ipinagmamalaki ng kanyang mommy. “ Parang si Kirk ang kumakanta.” sambit ng dalaga sa sarili. Kaya, naisipan nang lumabas ng dalaga upang malaman na kung sino ang lalaking panauhin nila. Paglabas niya sa pinto ng kanyang silid ay agad niyang inusisa si Cathy na nakatayo sa tapat ng pintuan. “ Pssstt, Cathy. Iyong Roger ba na bisita ni mom ang kumakanta?”
“ Oo, ate. Ang ganda ng boses ano, saka ang guwapo-guwapo pa niya.” tugon ni Cathy na super kilig. Sinipat mabuti ni Heart ang panauhing patuloy pa rin sa pag- awit habang nakatikod ang puwesto nito sa kanya. Tiningnan mula ulo hanggang paa. Bigla siyang kinabahan.
“It can’t be. Parang si Kirk siya kung tumindig. Pati height saka katawan ay pareho sila.” sambit ng dalaga sa sarili. Waring hinihila ang kanyang patungo sa puwesto sa sala kung saan naroroon ang entertainment set nila. Walang kamalay-malay ang mga naroroon na nandoon na pala siya dahil nadala na rin ang mga ito sa kantahan na nakikipag-duet pa kay Roger. Sinipat ng patagilid ng dalaga si Roger at laking gulat niya nang malaman kung sino ito. Bumilis ang tibok ng kanyang puso na nakadama naman ng buong galak. Pagkatapos umawit ni Roger ay pumalakpak siya habang nakangiti. Hindi naman siya agad nakita nito dahil naka-puwesto siya sa likuran.
“ Ang galing mo naman, pare. Na-touch ako ‘run ah.” wika ni Heart habang pumapalakpak. Napalingon namam si Roger sa likuran at nang malaman kung sino ang tumuran ng ganoong pananalita’y nagulat siya. “ He-Heart…! bulalas ng binata. Laking gulat din nina mommy Olga kung bakit kilala ng binata si Heart.
“ Kilala mo pala ang anak ko, Roger. Aba’y mabuti naman.” kinkilig na wika ng ale.
“ Opo, mommy. Katunayan, siya at ang sinasabi kong Kirk ay iisang tao lamang. And to tell you honestly, boyfriend ko na siya. Ano, huwag nyo pong sabihing hindi ka boto sa kanya.” Nakapamaywang na sabi ni Heart habang naka-angkla sa binata.
“ Kita mo nga naman ang coincidence, oo. Aba’y no problem sa akin kung boyfriend mo na si Roger, este Kirk… hmp, whatever. Total, ipipilit ko naman talaga siya sa iyo para kayo ang maging magsweety-pie.” Sa sobrang tuwa naman ni Roger ay napamano ito sa mommy ng dalaga.

Hindi rin siya makapaniwala na ang sinasabing mommy ni Heart at ang aleng kapalagayan niya ng loob ay kasundo niya pala sa isang kakaibang twist. Ang siste’y, buong pagtataka naman ang bumalot sa sentido ng mga ka-pamilya ni Heart kung paano nangyari ang ganoong kaygandang coincidence. Kaya, mahabang usapan at paliwanagan ang nangyari na kalauna’y naintindihan din ng lahat.
“ Ang gusto kong mapangasawa mo Heart ay iyong lalaking may paggalang at kasundo ang magiging biyenan nila. Magiliw at may pagmamalasakit at hindi puro pa-tweetums. Ano, masaya ka na dahil boto ako kay Roger, ah… este Kirk ba? para sa iyo.” teka bakit Kirk ang tawag mo kay Roger?” hirit ni mommy Olga habang tapik-tapik ang balikat ng binata.
“ Ganito iyon, mom. Kapag tinatawag ko siya sa cellphone at hindi agad nagre-response ay sinasabihan ko siya sa linya ng… Kirk…Kirk… Roger, Roger copy… copy, Kirk. Iyon kaya iyon ang bansag ko sa kanya.” Kilig na sambit ng dalaga habang tinititigan ng malagkit si Roger. Kaya ang aral sa istoryang ito ay maging mabait at magiliw sa nakakatanda upang pag nakasundo’y irereto kayo sa maganda o pogi nilang anak. WAKAS


