Parang isang librong gustong buklatin ni Val ang babaeng laging nakaupong mag-isa sa isang bench na nasa ilalim ng punong mangga. Iyon ay nasa loob ng campus, sa bandang likuran. Misteryosa, iyon ang assestment niya sa babaeng kapag nasusulyapan niya sa lilim ng puno’y bumibilis ang tibok ng kanyang dibdib.
Sa totoo lang, interesado ang 20-anyos na binata sa mystery girl na iyon. “ Pare, lagi ba ‘yang nag-iisa diyan. Wala ba siyang mga kaibigan? tanong ni Val sa kaibigang si Paul.
“ Oo, pare. Mula nang pumasok iyan dito hanggang sa ngayon ay ganyan na ‘yan. Hindi siya open sa iba. Tahimik at parang ilang sa tao. Pero, may kabatak din iyan na si Fely na kaklase namin dati sa ilang subjects sa nakaraang mga semester. Pero, nauwi na sa probinsiya sa Bicol.” sagot ni Paul habang tinitingnan nila ang naturang babae sa lilim ng puno habang nagbabasa ng libro.
Napansin ni Paul na titig na titig ang kabigan sa babae. Napangiti siya.Tinapik ang balikat ni Val. “ Pre, huwag mong sabihing kursunada mo ang isang ‘yan? Iba kasi ang kislap ng mga mata mo’eh.
“ Aaminin ko sa iyo, pare. Oo, interesado ako at nais kng mapalapit sa kanya.”
“ Interesado? Aba , baka isa lang ‘yan sa paaasahin at paluluhain mo. Kilala kita, Valentino. Kapag ginusto mo ang isang bagay, makukuha mo.”
“ Hindi, pare. Iba ‘yan. Kumbaga sa paintings, iyan ang aking obra maestra.”
Natigil lamang ang usapan ng dalawa nang mapansing nakatingin sa kanila ang babae. Nang mapansin nitong titig sa kanya si Val ay yumuko siya’t nagbasa uli ng libro. In the next day, nandoon uli ang babae sa naturang puwesto. Doon sa lonely tree dahil siya lang ang umuupo roon. Habang may isinisulat itong assignment sa kanyang kuwaderno’y mangha siya nang lapitan ng guwapong binata.
“ Oo naman.” tugon ng babae na nagbla-blushed na. May dalang snacks si Val na nakalagay sa plastic. Donuts iyon at Pizza with matching iced tea ang panulak. “ Kain tayo, huwag ka nang mahiya.” alok ng binata. Laking tuwa naman ni Val nang paunlakan siya ng babae. At dahil dun ay nalaman niyang Divine ang pangalan nito. Accounting major samantalang siya ay major in Mass and Communication.
Iyon ang simula ng pagiging close nila ng 19-anyos na dalaga. Kinuha ni Val ang schedules ni Divine para kapag bakante ng klase nito ay alam niya kung saan pupuntahan. Siyempre, doon sa “ Lonely Tree” na naman. “ Noong una’y napapansin kong laging malalim ang iniisip mo. Parang ay itinatago. May lungkot ang mga mata at hindi palaimik. Maganda ka naman.” biro ni Val nang muli silang mag-usap doon.
“ Ikaw, ano ba ang nakain mo’t lagi kang nakabuntot sa akin? Kilala kita, Mr.Valentino Azarcon. Ang kilabot ng mga kolehiyala rito sa campus. Siguro…” tanong na pabiro rin ng dalaga.
“ Hindi ako gayun gaya ng iniisip mo, Divine. In fact, gusto kitang kuning model sa gagawin kong project na Music Video bilang fairy. Pero, deep inside ay gusto kong mapalapit sa iyo. Gusto kitang maging kaibigan.”
Sa totoo lang, todo kilig ang feeling ng dalaga sa kanyang kinauupuan. Papaano’y pinapangarap niya ring mapansin ng binata at heto nga’t katabi na niya ngayon. Pero, hindi niya binigyan ng malalim na kahulugan kung bakit dumidikit sa kanya si Val. Siguro’y baka nga talaga sa gagawin nitong project na Music Video kaya dinikitan siya. Pumayag na siya na gumanap na diwata sa sariling composed na kanta ni Val na “ Red Woman” at pagkatapos nun ay dedma na siya sa binata.
Sa bahay nina Divine ay napansin ng nanay Celeste niyang maysakit na medyo nakakangiti na ang dalaga. Kapansin-pansin ang kakaiba nitong sigla noong gabing naghahapunan sila. “ Aba , iba ang mga kislap ng mga mata mo, Divine. Mukhang inlove ka ano? biro ng 48-anyos niyang inang may hika.
“ Uyyyy, si ate, inlove. Kanino? kantiyaw pa ng 8-anyos na kapatid nitong si Dindo. “ Sus, kayo naman, kumain na lang ho tayo.” depensa nito.
“ Ate, don’t change the subject.” kantiyaw pa ng 6-anyos nitong kapatid na si Rosie. Bagamat pagod ang utak at katawan sa klase’y masiglang pumasok sa Club si Divine kasama ang bestfriend niyang si Fely. Iyon ang lihim nilang dalawa. Kaya biglang parang bulang nawala si Fely sa campus ay nasabak na sa pagiging GRO at napapayag na rin si Divine dahil sa kailangan. Para maitaguyod nito ang kanyang pag-aaral at maitustos sa pang-araw-araw na pantawid nilang mag-anak. Kahit labag sa loob ay pikit matang ginagawa ni Divine ang trabaho. Ito ang alas niya sa ngayon. Pero kapag nakapagtapos na siya sa kanyang kurso’y iiwan na niya ito at magbabagong buhay na siya.
Pansin ni Fely na ang dating pumapasok na malungkot na kaibigan ay masaya. Kakatwa iyon kay Fely dahil kapag pumapasok ito at sumasayaw sa entablado at itini-table ng mga customers ay frigid ito at walang kalatuy-latoy. “ Mukhang happy tayo ngayon, my friend, ‘ah.” usisa ni Fely habang naghahapunan sila sa table sa loob ng Club habang hindi pa sila nasasalang sa stage presentation. Doon na napasok sa topic si Val. Iyon ang rason kung bakit kakaiba ang sigla ngayon ng dalaga.
“ Tange, hindi ba nag-swear ka sa iyong sarili na hindi makikipagkaibigan o magiging open sa iba para maingatan ang lihim mo. Kasi, hindi maiiwasang kapag interesado s aiyo ang isang tao na malaman din ang tungkol sa buhay mo.”
“ Pero, iba si Valentino, friend. Hindi ko siya matanggihan. Di ba, noong freshmen pa tayo ay crush na natin siya. masaya na ako na naging kaibigan niya ako.” kilig na wika ng dalaga. Hindi alam ng pamilya ni Divine na GRO siya. Ang alam ng mga ito ay isa siyang cashier sa isang drug store na bukas ng 24-oras. Nag-aaral siya sa panghapong schedules at nagtratrabaho sa gabi. Kapag number niya sa stage ay hanggang topless lang ang kaya niyang gawin. Samantaang si Fely ay all the way na mukhang bihasa na sa ganitong sistema.
Malapit sa manager ng club na si Mommy Elvie si Divine at hindi nito hinahayaang mababoy o mabastos siya ng mga customers. Hindi siya pinapa-table sa mga customers hangga’t mayroon pang GRO na pu-puwedeng iteybol ng mga ito.
“ Well, gagawin ko na ang Music Video ko sa makalawa ng gabi. Gusto ko sanang isama ka sa bahay para kunan na ang unang mga eksena.” Wika ni Val nang muli silang magkita’t mag-usap sa Lonely Tree. “ Ha, kasi hindi ako pupuwede ‘eh. May pasok kasi ako sa trabaho ko sa drug store.” sagot ni Divine na may halong kaba.
“ Ganoon ba? Ganito na lang. Kapag sparetime mo na lang gagawin natin ang MTV. Total, hindi naman ako nagmamadaling tapusin agad iyon ‘eh. Ang sa akin lang ay matapos ko agad para hindi ako pressure sa ibang projects. Graduating na kasi ako’eh.”
O…oo, text kita kapag puwede ako, okey.” Si Divine na balisa sa sarili.
“ Gusto mo bang iparinig sa iyo nang composed kong song?” ani Val habang tinitipa na ang hawak niyang gitara.
“ Sige nga.” kilig na tugon ni Divine. Sumaliw sa hangin ang magandang melodiya ng naturang awit at boses ng binata na parang idinuduyan sa ulap ang dalaga. Malagkit ang pagkatitig ni Divine kay Val ang kantahin ng huli ang chorus ng kanta ng may lyric s na: “ I want to know what’s on your heart, really want what’s on your mind. I really care for what you feel inside, Red Woman, In the Lonely Tree.” Sa narinig na awitin ay tumindi ang pag-ibig ng dalaga kay Val. Ang binata ang dahilan kung bakit nakukuhang maging masaya ng dalaga at nalilimutan ang madilim nitong bahagi ng pagkatao. Ito ang espesyal na nagpapalakas ng kanyang kalooban.
Habang sweet ang dalawa sa tagpong iyon ay siya namang pagdating ni Tanya kasama ang ang mga amiga nito at kinompronta ang dalawa.
“ So, kaya pala iniiwasan mo na ako ay dahil may iba ka palang kinahuhumalingan sa place na ‘to. Siguro, iyan na rin ang ipinalit mo sa akin para maging fairy sa music video mo. Huwag mong sabihing siya na rinh ang bagong special someone mo.” pagtataray ni Tanya.
“ You and you’re big damn mouth, stop Tanya. Wala ka na bang ibang gagawin kundi guluhin ang buhay ko. Tapos na tayo at wala ka nang pakilalam kong ano ang gusto kong gawin at kung sinong babae ang gusto ko.” sabat ni Val.
“ You mean, gusto mo ang babaeng ‘yan, ha Valentino?”
“ Yeah, at kapag ginawan mo siya ang hindi maganda’y pasensiyahn tayo.” galit na bulalas ni Val. Bumilis naman ang tibok ng puso ni Divine nang marinig ang katagang sinabi ng binata. Hindi siya makapaniwala. Umalis naman sina Tanya at ang mga amiga nito na inis na inis sa puwesto nila.
“ Gusto mo ako, ha Val?” nagbla-blushed na tanong ng dalaga. “ Oo naman, mahal kita, Divine. Pag-aaksayahan ko ba ng time, money and effort ang isang babae kung hindi ko siya mahal.” Napaiyak sa tuwa si Divine nang marinig niya ang sinabi ni Val. Alam niyang totoo ang tinuran ng binata sa kanya. Ngunit, hindi siya pupuwedeng magpadala sa kanyang nararamdaman. Sa kanyang puso. kailangang manaig ang isip.
“ Ano, sinabi ni val na mahal ka niya, ha my friend?” kilig na pagkukumpirma ni Fely kay Divine nang muli silang mag-usap sa pinapasukang club ng gabing iyon.
“Oo, Fely. Kaya lang hindi ko siya sinagot kahit na ang tindi na ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi naman siya na-offende. Maghihintay daw siya. natatakot kasi akong matuklasan niya ang secret ko. Tiyak na pandidirihan niya ako at masakit sa akin na kakalasan niya ako dahil ‘dun.” wika ng dalaga.
Nang sumunod na araw ay dinala ni Val si Divine sa bahay nila nang hapong iyon upang kuhanan na ng ilang shoots ng video ang huli. Ang ganda ni Divine bilang isang diwatang nakasuot ng pula kung saan ang istorya ng naturang music video ng RED WOMAN ay tungkol sa isang diwatang nais makilala’t maging kaibigan ng isang lalaki nang magkita sila sa isang forest. Hindi maalis sa isipan ng binata ang diwata kung kaya’t pabalik-balik siya sa napuntahang gubat para muling makita ang diwata. Kinunan ang eksena sa garden nina Val pati na rin sa kuwarto kung saan ang eksena’y iniisip siya ng binata. Na sa bawat pagpihit ng mga mata nito’y nakikita niya ang diwatang nakasuot ng pula. Si Paul na kaibigan ni Val ang modelong lalaki sa naturang video.
“ Siguro, pupunta tayo ng Laguna, sa Mount Makiling para doon kunan ang eksenang nakita ng lalaki ang diwata.” turan ng binata.
Pagkatapos ng shoot ng video’y dali-daling gumayak si Divine at nagpaalam na umalis nang mapansing mag-aalas sais na sa wall clock. Gusto siyang ihatid ni Val sa pinapasukan nito umanong drugstore pero hindi siya pumayag. Naiwan naman si Val na ini-edit ang nagawa nang mga unang eksena ng video. Habang ginagawa niya ito’y inusisa siya ni Paul.
“ Pare, alam kong addict ka na kay Divine. Alam ko rin na may gusto ka sa kanya. Pero, alam mo ba ang lihim ng pagkatao niya? ani Paul.
“ Bakit, ano ba ang lihim ni Divine. Bampira ba siya, werewolf, mangkukulam, sorcerer?”
“ Look, kaya pala iwas siya sa mga tao sa campus maliban sa iyo ay dahil ayaw niyang malaman ang marumi niyang pagkatao. Pare, GRO pala siya sa isang nightclub sa Pasay. Katunayan, naka-table siya ng ka-tropa nating si James nang pumunta ito roon. Nakilala niya si Divine.”
“ Loko pala iyon ‘eh. Sinisiraan niya lang si Divine dahil ginagatasan niya si Tanya para kapag nagkabalikan kami ng hitad ay babayaran siya. Alam ko na ‘yan, pre. Baka kamukla lang ni Divine ang naka-table niya, tapos sasabihin niyang si Divine, iyon.”
Inilabas ni Paul ang kanyang cellphone sa bulsa. Binuksan ang gallery at may ipinakitang video. “ Di ba si Divine ‘yang lumalaklak ng ladies drink na ka-table ni James. Iyan ang video na kuha ni James na ipinadala sa akin.” ani Paul. Umasim ang mukha ng binata. Pagkatapos ay nanlumo. Agad na gumayak at nagbihis.
“ Tara, pare. Aalis tayo. Pupuntahan natin ang club na pinapasukan ni Divine.” ani Val. Hagos na pinasibat ng binata ang kotse at dumiretso ng Pasay mula Project 6. At nang makarating sila ng club at pumasok sa loob ay eksaktong sumasayaw na sa entablado si Divine na naka-two piece. Hindi napansin ng dalaga na nasa loob na pala sina Val dahil medyo madilim. Pumuwesto sa isang sulok sina Val na nasa gilid ng stage. Masyadong madilim doon kung kaya hindi siya mahahalata na pinapanood niya si Divine. Umorder na sila ng isang barrel ng beer habang pinapanood si Divine na sumasayaw sa tugtog na Lady in Red.
Bago pa matapos ang dance number ni Divine ay tinawag ni Val ang isang recepcionist. “Boss, may naka-pagtable na ba ngayon diyan sa sumasayaw sa stage ngayon?”
“ A, si Scarlette po ba, sir? Wala pa ho.”
“ Ganun ba? sige, papuntahin mo na lang dito kapag tapos na ang number niya. Tapos, iyong isang medyo tisay na nakaupo sa table malapit sa stage na naka-kulay orange ay papuntahin mo na rito para may ka-table itong partner ko.”
“ Areglado, boss.” tugon ng receptionist. Pagkatapos ng number ni Divine aka Scarlette at nilapitan siya ng kelot na receptionist. “ May gustong mag-table sa iyo. Guwapo at mukhang mayaman. Hinihintay ka na niya.” tense naman ang dalaga kung sino na namang damuhong ang ti-table sa kanya para manantsing. Nang makarating na sa puwesto nina Val ay parang tinuklaw ng sawa si Divine nang malaman si Val ang ka-table. Parang tuod na nakatayo ang dalaga sa harapan nina Val nang iwanan na siya roon ng receptionist. Hinatak ni Val ang braso niya at pinaupo sa kanyang tabi. Parang tuod pa rin ang dalaga sa pagkaka-upo. Iyon ay bunga ng matinding hiya at waring iniisip niyang pandidirihan na siya ni Val. Tiningnan siya ng binata sa mukha at hinalikan sa pisngi. “ Oorder ako ng maraming ladies drink pero hindi mo iinumin para hindi ka na umalis sa piling ko, Scarlette. Kung iniisip mong pandidirihan kita’y mali ka. Bagkus ay hinahangaan kita hindi dahil sa magaling kang sumayaw sa entablado.Kundi, natitis mo ang ganitong uri ng trabaho para lamang maitawid ang iyong pag-aaral at ang pangangailangan ninyong mag-anak. Pero, tinitiyak ko sa iyo na ito na ang huling gabi mo dito, Scarlette. Aalisin na kita rito at mananatiling lihim ang lahat ng ito. Bubusalan ko ng pera ang mga taong nakakalam ng iyong lihim para manahimik sila. Nang sa gayu’y manatili kang malinis sa tingin ng iba.”madamdaming turan ng binata habang yakap ng mahigpit ang dalaga.
Pumatak ang luha sa mata ng dalaga. Kumilos na ang kanyang mga braso’t kamay at ginantihan din mahigpit na yakap ang binata. Laking galak ng kanyang puso na may lalaking dalisay na nagmamahal sa kanya sa katauhan ni Val. Ang sweet ng dalawa na animo’y magkasintahan na nakatawag pansin sa ka-table naman ni Paul na si Shaney ang pagiging sweet ng dalawa.
“ Hoy, parang magdyowa naman kayo niyan. Ang sweet nyo kasi.” ani nito. napangiti lang si Paul. “ eh di gayahin din natin nang ginagawa nila.” hirit nito sa ka-table. Naging masaya ang table nila dahil sa lambingan at tawanan. Lambingan na walang halong pagnanasa kundi paggalang at pagmamahal lalo na ang eksena nina Val at Divine.
Gaya ng sinabi ng binata, umalis na nga sa pinapasukang club ang dalaga at sinabi nitong nakahanap na siya ng ibang trabaho. Naging iba ang tanawin sa naturang Lonely Tree dahil sa pagiging sweet ng dalawa. Oo, magkasintahan na sila. Habang nag-aaral pa sila ay inire-komenda ni Val ang nobya sa tiyuhin niyang ipasok sa kompanya nito bilang bookkeeper dahil magaling sa accounting si Divine.
Doon nga nag On-Job-Training si Divine nang huling mga taon na niya sa kanyang kurso. Katunayan, magtatapos ito na may honor bilang First Honorable mention. Si Val naman ay isang DJ sa isang FM radio station. Ang dating simpleng babae si Divine ay naging elegante na parang si Maricar Reyes at talaga namang maipagmamalaki. Iyon ang move ni Val para hindi siya hadlangan ng kanyang magulang sa kanyang pag-ibig kay Divine. Hindi niya pupuwedeng iharap sa dating bihis ng pagkatao nito s akanyang mga parents dahil hindi nila ito matatanggap para sa kanya. Ngunit ngayon, ito pa ang nagtutulak sa kanya na pakasalan sa takdang panahon ang kasintahan.
“ Bakit sa dinami-dami ng babaeng duaan sa buhay mo’y ako pa ang isang hamak ang pinili mo, Val? ” ani ng dalaga habang nasa isang resto sila.
“ Ibang mangusap ang puso, Divine. Ikaw ang itinuro niya sa akin. Hindi ko na itinanong ang sarili ko kung bakit sa isang GRO noon pa ako nagmahal. Ang mahalaga ay ang katotohanang nilalaman ng aking damdamin na hindi matitiis ang isang tulad mo. Tunay na pag-ibig lamang ang makakagawa ‘nun. Ikaw ang ibinigay sa akin ng Diyos. Ikaw ang hinihiling kong Red Woman sa aking panaginip na ibinigay Niya sa akin. ” turan ng binata habang hawak ang kamay ng nobya. “ Salamat at ibinigay ka rin Niya sa akin.” wika ni Divine. WAKAS



Walang komento:
Mag-post ng isang Komento